Shai is a 19 year old girl from Manila, PH. She has a sweet tooth. She likes coffee and it makes her day. She appreciates vintage and music of different genres. She's pretty quiet and she loves to eat. Her laziness becomes worst during rainy days. :3 Sleeping for her, is priceless. She is in-love for more than a year now and even though she can't think straight, she's happy and she's just loving it!
Silang mga nang-gagago ay galit kapag naloloko. Eh? Sira ba ang mga ulo nila? Ano yun, hindi sila aware na nakakasakit sila, kahit minsan lang? HAHA! Nakakatawa. Sila yung mga taong walang pakundangan. Para namang hindi sila nag-iisip. Hindi nila iniisip yung nararamdaman ng ibang tao. Ang sarili lang nila ang mahalaga sakanila. Sila na talaga! Haha! Magsama-sama silang magkaka-ugali.
Ika nga, “Wag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa’yo.” Or whatsoever blah blah blah. :) Kaya bakit kailangan pang manloko? Manlamang? Wala namang maidudulot na kabutihan yun sa buhay ng tao. Siguro, para sa iba isa na yung paraan ng pagtakas. Pagtakas sa problema o kahit sa reyalidad mismo. Tandaan! Malinlang mo man ang mga taong nakapaligid sa’yo ay hindi mo maloloko ang sarili mo.
Sa buhay, hindi natin maiiwasang makasakit. Kaya lang, dodoble lang lalo yun kapag sinamahan ng panloloko o kasinungalingan. Oo, nagagawa nating magsinungaling paminsan-minsan. Tao lang tayo eh. Pero wag naman nating gawing habit! :D Kasi, ang sobra nakakasama rin. Kahit nga yung kulang eh. Dapat nasa gitna lang. Yung tama lang. Yung tipong chill lang. :) Pero, wag naman pa-safe all the time.
Tandaan: Tayo ang “master” ng ating mga buhay. Nasa sa atin na mismo kung papano natin ito patatakbuhin.
*thumbs up!